Miyerkules, Enero 11, 2012

ANG DAPAT MBATID NG MGA TAGALOG NI ANDRESS BONIFACIO (reaction paper)


Ang isinulat ni Gat. Andress Bonifacio na “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog” ay isang “pamulat at panawagan” sa mga Pilipinong bulag sa katotohanan nuong panahon ng mga kastila.
“ Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawanan ng hari sa Espana.”
Sa unang saknong na ito,iminulat niya ang mga kaisipan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng paglalahad o pagkwento ng ating pambansang kasaysayan bago at simula ng dumating ang mga Espanyol sa bansa. Kasama na dito ang sumpaan sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo nina Haring Sikatuna ng Pilipinas at ni haring Legazpi ng Espanya bilang tanda ng patas na ugnayan at pakikitungo.

Sa ikalawa at ikatlong saknong, inilahad ni Bonifacio ang pagpapabaya at paglimot sa sumpaan matapos ang tatlong daang taon. Ikinwento din niya ang mga partisipasyon ng mga Pilipino sa pakikibaka, sa simbahan, pagkuha ng mga kaugalian at ang lahat ng ito ay para sa ngalan ng Espanya.
Mga pagbabagong nangyari sa pamayanan, bawat pamilya at sa ating mayaman na kultura.
 “Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan. 
       Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan. 
        Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.
Sa ikaapat at huli’y nanawagan si Gat. Bonifacio sa mga Pilipino na lumaban, imulat ang mga mata, huwag matakot at makiisa.
Si Andress Bonifacio at ang kanyang mga ginawa ay tanda na ang paglaban ay hindi lamang natatapos sa pagsusulat at pagmumulat ng iba sa katotohanan. Ang paglalahad ay isa lamang hakbang para sa direktang paglaban ng progresibo. Na hindi lang sapat ang maghayag ng katotohanan.
Ang Rebolusyon at paglaban sa Espada at baril ay epektibong panlaban para sa Bayan at pagbabago. Pinatunayan na ito sa Kasaysayan at dahil it okay Gat. Andress Bonifacio.

1 komento:

  1. Stainless Steel Magnets - titanium arts
    Ironing the Stainless Steel https://septcasino.com/review/merit-casino/ Magnets titanium metal trim (4-Pack). Made septcasino in Germany. 출장마사지 The Titanium https://febcasino.com/review/merit-casino/ Arts Stainless Steel Magnets are an alloy made of steel in stainless steel

    TumugonBurahin