Miyerkules, Enero 11, 2012

ANG DAPAT MBATID NG MGA TAGALOG NI ANDRESS BONIFACIO (reaction paper)


Ang isinulat ni Gat. Andress Bonifacio na “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog” ay isang “pamulat at panawagan” sa mga Pilipinong bulag sa katotohanan nuong panahon ng mga kastila.
“ Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawanan ng hari sa Espana.”
Sa unang saknong na ito,iminulat niya ang mga kaisipan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng paglalahad o pagkwento ng ating pambansang kasaysayan bago at simula ng dumating ang mga Espanyol sa bansa. Kasama na dito ang sumpaan sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo nina Haring Sikatuna ng Pilipinas at ni haring Legazpi ng Espanya bilang tanda ng patas na ugnayan at pakikitungo.

Sa ikalawa at ikatlong saknong, inilahad ni Bonifacio ang pagpapabaya at paglimot sa sumpaan matapos ang tatlong daang taon. Ikinwento din niya ang mga partisipasyon ng mga Pilipino sa pakikibaka, sa simbahan, pagkuha ng mga kaugalian at ang lahat ng ito ay para sa ngalan ng Espanya.
Mga pagbabagong nangyari sa pamayanan, bawat pamilya at sa ating mayaman na kultura.
 “Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan. 
       Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan. 
        Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.
Sa ikaapat at huli’y nanawagan si Gat. Bonifacio sa mga Pilipino na lumaban, imulat ang mga mata, huwag matakot at makiisa.
Si Andress Bonifacio at ang kanyang mga ginawa ay tanda na ang paglaban ay hindi lamang natatapos sa pagsusulat at pagmumulat ng iba sa katotohanan. Ang paglalahad ay isa lamang hakbang para sa direktang paglaban ng progresibo. Na hindi lang sapat ang maghayag ng katotohanan.
Ang Rebolusyon at paglaban sa Espada at baril ay epektibong panlaban para sa Bayan at pagbabago. Pinatunayan na ito sa Kasaysayan at dahil it okay Gat. Andress Bonifacio.

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA NI ANDRESS BONIFACIO (reation paper)

Naniniwala akong si Andress Bonifacio ang nagiisang pamantayan ng pagiging tunay na “Makabayan.” Kilos at gawa at maging sa mga salita, pasulat man o pasalita.
Sa mga salitang parteng;
 Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.
Minahal muna ni Bonifacio ang kapwa Pilipino, matapos masaksihan ang paghihirap at kataksilan na dinanas nila sa mga kastila. Nagsilbi itong tulay para mahalin ang sariling bayan at ipaglaban ang kalayaan nito kahit maging kapalit nito’y sarili niyang kamatayan.
Ang pag-ibig sa bayan ay una dapat ipinakikita sa pagmamahal sa pamilya, sa kapwa, sa kalikasan at buong pusong gumagawa na masaya ang kalooban nasa mahirap man na sitwasyon. ang ating konsensya ay dapat malinis at gamitin para sa pagtulong sa mga nangangailanga sa abot ng ating makakaya. hindi na natin kailangan maging sikat pang tao bago natin magawa ang pagiging makabayan. magsikap tayo, at kalimutan ang pagibig sa Diyos na ipinadadama sa atin sa bawat araw. kung tayo man ay biktima na kawalang katarungan dapat itong ipaglaban dahil maging Diyos ay ayaw ng ganun ibig sabihin kung may kawalang katarungan ay tayo parin ang gagawa at hindi dapat natin basta iaasa sa taas. gawin natin kung ano ang tama sa pamamagitan ng pandama natin sa kabutihan na mayroon tayo ating sarili.
Sa panahon niya, para sa mga katulad kong sanay sa makabagong kabihasnan, kung ako ang na sa kalagayan ni Gat. Andress Bonifacio, mahirap para sa akin ang mahalin ang aking bayan lalu na kung ito ang dahilan ng aking paghihirap. Mahirap ang lumaban kung alam mung hirap ka, sa madaling salita, “lugi ka.”
Isa itong pagmamahal na madalang na lang na makikita sa panahon ngayon.

DASALAN AT TOCSOHAN By Marcelo H. Del Pilar (reaction paper)

Ang akdang ito ay salamin ng matinding kalupitan at kasakiman ng mga prayleng kastila nuon. Katapat nga ng masamang gawa ay ang mga matatalim na salita. At para kagiliwan at medaling maihain ito sa mga Pilipino nuon, ginamit ni Gat. Marcelo H. Del Pilar ang mga dasal at paniniwala na itinuro ng mga prayle. “ Ang Tanda, Pagsisisi, Ang Amain Namin, Ang Aba Guinoong Baria, Ang Aba Po Santa Baria, Ang mga Utos ng Fraile at iba pang mga kasabihan at paniniwala na isinalin ni Del Pilar sa matatalim na salita.
Isa sa tatlong kilalang dasal na kasama sa akdang ito ay ang “Ang Amain Namin”. Mula sa orihinal nitong dasal na “ Ang Ama Namin”. Sa mga salitang “ Amain namin, sumasaconvento ca, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amain ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit.”
Ang dasal na para sa Diyos Ama ay ginawa niyang dasal para sa “Amaing Fraile.” Kitang kita ang masidhing muhi ni Del Pilar at ng mga Pilipino sa mga paring kastila nuon.
Pangalawa ay “ Ang Aba Guinoong Baria,” galing sa orihinal nitong dasal na “ Ang Aba Guinoong Maria”. Dito inilahad ni Gat. Marcelo H. Del Pilar ang kasakiman sa pera at pagwaldas sa yaman ng lipunan ng mga prayle. Sa mga salitang ” Aba guinoong Baria nakapupuno ka ng alcancia ang Fraile’l sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pinahiguit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.” Ipinababatid niya sa mga Pilipino nuon, kung saan napupunta ang pera na inaabuloy ng simbahan na inaakala nilang bilang tulong sa Diyos.
“Ang mga Utos ng Fraile” na mula sa orihinal nitong parabola sa bibliya na “ Ang Sampung Utos ng Diyos.”
 Ang mga utos ng Fraile ay sampo:
Ang nauna:             Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat
Ang ikalaua:           Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos.
Ang ikatlo:              Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta.
Ang ikapat:            Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina.
Ang ikalima:            Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang palibing
Ang ikanim:            Huag kang makiapid sa kanyang asaua.
Ang ikapito:            Huag kang makinakaw.
Ang ikaualo:            Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam:           Huag mong ipagkait ang iyong asaua.
Ang ikapulo:            Huag mong itangui ang iyong ari.

Minulat ni Del Pilar ang mga Pilipinong alipin ng simbahan at bulag sa katotohanan. Na ang bawat gawa, sakripisyo at bigay ay hindi na napupunta sa Diyos at sinasamsam na ito ng mga Prayleng kastila.
Ang akdang ito ay karapat-dapt lang ipa-mukha sa mga kastila nuon. Ang mapang-insultong salita ay dapat lang sa mapang-insultong nilalang at epektibong pamulat sa mga iniinsulto nuon gaya ng mga Pilipino.
Ang Dasalan at Tocsohan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar, lalu na ang mga parte nitong “Ang Amain Namin, Ang Aba Guinoong Baria at Ang mga Utos ng Fraile ay nakakayanot pa din o “offensive” pa din sa ngayon pero sa iba nang dahilan. Maganda na ang imahe ng simbahan ngayon kung ikukumpara mo sa panahon ng mga kastila. At maaaring maging kontrobersyal ito dahil sa dalang lait nito at makabagong pamimintang sa simbahan. Mas laganap ang katolisismo sa panahon ngayon at hindi malabong atakihin nito ang kanilang sensitibong damdamin. Pero, para sa bagong henerasyon, isa na lang itong kaalaman at gabay upang magsilbing Mata sa simbahan ng wastong paniniwala.

Linggo, Enero 1, 2012

Kapag inuna ang luho sa Pasko

Kapag Pasko,syempre marami kang pera, puno ang bulsa. Kaya ngayon hindi mo alam kung anu uunahin mong bilhin o saan mo unang iwawaldas ang peramo sa wallet. hanggang sa nagastos mo na lahat, tapos maiinis ka na lang, may nakalimutan ka pa lang bilhin na importante.

Nakakaasar talaga, binigyan kaming magkakapatid ng 500 ng aming tatay para may pera kami para sa pasko. Pagkatapos ng araw na iyon, pumunta kami magkakamag-anak sa SM para bumili ng mga pangregalo at para bumili na din ng mga gusto namin. Edi yan,nakabili na kami. Paguwi, inaya ako ng kabarkada ko na magcomputer, at sumama naman ako. Kinabukasan, December 26, nagbayad ako sa mga kabanda ko ng pera pang-renta ng Drumset para sa darating na gig namin sa new year. At nagbigay naman ako.

Pagdating ng 28, ubos na ang pera ko dahil sa nagcomputer nanaman ako nang sobrang tagal. Para na ding karma siguro nung inatake akong Asthma after ko maglaro sa shop. 
Hiyang-hiya ako sa Mama ko at Papa ko mang-hingi ng pera pambili ng gamot dahil ayokong malaman nila na ubos na agad yung pera na binigay nila saken. Kaya kinapalan ko na lang yung mukha ko at naghingi na lang ako sa Lola ko gumaling lang ang kondisyon ko.

Biruin mu yun, sa sobrang tanga kodahil sa pera nakalimutan ko nang  bumili ng gamot ko. Nakalimutan ko na dapat lagi ako may gamot dahil hindi ko masasabi kung kailan ako aatakihin ng hika.

Kaya next year,ililista ko at uunahin ko munang bilhin lahat ng importanteng bagay bago iwaldas lahat ng pera ko luho at sa iba pa. 

Reflection paper sa Filpino " Ang Babae ni Inang laya"

Sa pamagat pa lang ay iyo nangmahahalata na ang awit na "Babae"ay isang kantang nagbibigay empasis sa mga kababaihan. Dahil dito, ang sumulat na si ng kantang ito na si Mon Ayco at ang umawit  ay mga Feminista.
Sa pagsusuring pangliriko, ang mga stanza na "Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha. Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?
Kayo ba ang mga Cinderella, na ang lalaki ang ang tanging pag-asa. Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa.
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?"
"Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata. Nakilaban, ang mithiin ay lumaya. Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama. Mga babae, ang mithiin ay lumaya."


Ang lahat ng ito ay nagbibigay empasis sa mga kababaihan nuon at ngayon. Ang mga salitang  
ay mga imahe ng mga babae sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Sa chorus makukuha ang mga aral ng awitin.

"Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?"

 Ang bagay na dapat gawin ng lipunan sa mga kababaihan, at ang dapat gawin ng isang babae sa mapagmatang mundo. Inilahad ng awitin ang diskriminasyon napinagdadaanan ng mga Eva. Mga kultura at paniniwala na pinagpasa-pasahan mula pa nuong una na humahadlang sa kanilang pagbangon, magtaas noo at sa progresibong pagunlad ng sarili.

Ang kantang "Babae" ay isang pamulat mata o hamon para sa mga babae.  Pananatilihin ba nila ang umiiral na pagtingin sa mga babae bilang mahina, passive at naghihintay lamang na akayin naming mga lalaki?
O gagayahin ba nila ang mga bayaning Filipina na hindi natakot na kumilos hindi lamang para sa sarili, kundi para rin sa pambansang paglaya?