Sabado, Disyembre 31, 2011

Malayang paksa, "Pansin-kilos ngayong Pasko"

Kumukuti-kutitap ang mga ilaw na may kasamang mga parol. Susasabay ang lamig ng hangin sa tinig ng mga bata at mga matatandang isip bata na kalye. Kumakanta sa bahay-bahay ng walang kasawa-sawang awit na "sa may bahay". At biglang magmomoment ang isipan mo at sasabihing, hay! Pasko na nga.


Isa yan sa mga eksena na nakakatuwang pansinin tuwing okasyon na ito. Sa mga handa, kabaligtaran ang pangyayari sa araw na to sa eksenang gutom na gutom ka, naghahanap ng maraming pagkain, pero di mu kaya dahil short na short ka. Ngayon kasi, hindi mo na alam ang kung anung pagkain ang uunahin mong lapangin. Sa mga nagdadiet kuno, vegetable salad muna at tinapay sa una. Pero letchon baboy, fruit salad, spaghetti, leche plan at letchon manok na sa huli at di kasama ang mga alak.           

Sa mga malulusog na napagiwanan sa kusina. Letchon baboy at manok at leche plan din sa una. At sa huli wala nang pang medya notche ang buong pamilya. At pagnabusog ka na, napakain mo na nang marami ang alaga mong anaconda sa tiyan. Didighay ka pa at sasabihing, " Yeah! Pasko na nga."

Paggising mo naman sa umaga, makakakita ka ng mga bata sa daan, palakad-lakad kung saan-saan. Papunta sa mga Ninong at Ninang.
Sa mga may inaanak, kung short ka, regalo ang ibibigay mo sa mga inaanak  at mansanas ang ibibigay sa mga batang namamasko lang sa bahay-bahay. O kaya magsisipag-sipagan kang pumasok sa trabaho kahit walang pasok at iiwan mo sa asawa mo lahat ng batang mamasko sayo, kahit wala kang iniwang pera.
Sa mga walang inaanak, kung may trabaho ka o mayaman si papa, iwawaldas mo ang lahat ng pera mo sa MOA,TRINOMA at kahit na anung SM branches. Pero mas magandang alternatibo ay yung tipong lalabas ka, magdadrama ka habang nakatingin sa mga batang namamasko. Tapos makikita ka ng tatay mo, pang Award Winning ang acting mo kaya bibigyan ka niya dahil naawa siya sayo. At sa huli nagwindow shopping ka lang pala at inubos mo ang lahat ng pera mo sa Tetris at DOTA.

Ano mang pangyayari o eksena meron tuwing pasko. Nakakatuwa man o hindi, wag sana nating kalimutan na kaarawan ito ng ating panginoon. Kaya sa bawat sa bawat gawa,sa bawat salita, nawa'y maging karapat-dapat sa harapan ng ating Diyos ang lahat ng kilos na gagawin natin ngayung kaarawan niya.